Patakaran ng University of Hawaii Tungkol sa Pagbabawal sa Pandidiskrimina

Patakaran ng unibersidad na magbigay ng pantay na oporunidad sa mas mataas na edukasyon, sa pang-edukasyong misyon at bilang employer. Nakatuon ang unibersidad sa pagsunod sa lahat ng batas, tuntunin, at regulasyon ng Estado at Pederal na pamahalaan na nagbabawal sa diskriminasyon. Tapat na sumusunod ang unibersidad sa patakaran sa pagbabawal sa pandidiskrimina na nakabatay sa lahi, kasarian, pagkakakilanlan at paghahayag ng kasarian, edad, relihiyon, kulay, bansang pinagmulan, angkan, pagkamamamayan, kapansanan, genetic information, marital status, pagpapasuso, pagtatakda ng suweldo para sa pagsuporta sa anak, record ng pagkaaresto at paglilitis sa hukuman (maliban na lang kung pinapahintulutan sa ilalim ng batas ng Estado), sekswal na oryentasyon, kawalan ng militar, o katayuan bilang sinasaklaw na beterano. Saklaw ng patakarang ito ang admission, pag-access, paglahok, paggamot, at pagtatrabaho sa mga programa at aktibidad ng unibersidad. Ang panliligalig na may kaugnayan sa diskriminasyon, kabilang ang sekswal na panliligalig, ay ipinagbabawal sa ilalim ng patakarang ito. Isusulong ng unibersidad ang ganap na pagpapatupad ng pantay na oportunidad sa pamamagitan ng positibo at tuloy-tuloy na programa ng pagbabawal sa pandidiskrimina at apirmatibong pagkilos (41 CFR Kabanata 60) sa bawat campus.

Ang University of Hawaii Community Colleges (UHCC) ay nag-aalok ng iba’t ibang programa ng pag-aaral ng Career and Technical Education (CTE) na humahantong sa pagkakaroon ng mga degree na Associate of Science (AS) at Associate of Applied Science (AAS), pati na rin ng mga postsecondary na certificate. Bagama’t mayroong patakaran sa malayang pag-access ang lahat ng campus ng UHCC, ang admission sa programa ay maaaring nakabatay sa pagkumpleto sa lahat ng naaangkop na paunang kinakailangang kurso/pagsusulit at may ilang programa sa UHCC na naglalapat ng higit pang karagdagang pamantayan sa admission. Magsasagawa ng mga hakbang ang mga campus ng UHCC upang matiyak na hindi magiging balakid sa admission o paglahok sa mga programa ng CTE ang kawalan ng mga kasanayan sa Ingles.

Para sa tulong sa wika, makipag-ugnayan sa tanggapan ng mga admission ng campus. Ang mga tanong tungkol sa patakarang ito, pati na rin sa Seksyon 504 at Titulo IX, ay dapat idirekta sa itinalaga ng campus o sa coordinator ng UHCC System:

Direktor (UHCC System Seksyon 504 at Titulo IX Coordinator) Office of Compliance, EEO/AA, and Title IX 2327 Dole Street, Room 1 Honolulu, HI 96822 Telepono: (808) 956-4564 Fax: (808) 956-2503 Email: eeocc@hawaii.edu

Contact Us

Send us an email

If you require an alternate format, please
contact your campus.

 

Connect with us

We're on Social Networks. Follow us & get in touch.